Breaking News

Share this information:

INIHAYAG ng Department of Health (DOH) ang karagdagang 246 pang kaso ng mga tinamaan ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) na mayruong bagong variants.

Tinukoy ng DOH na natukoy ang 104 karagdagang kaso ng United Kingdom o B.1.1.7 variant at 137 kaso ng South Africa o B.1.351 variant. Naitala rin ang apat pang kaso ng Philippine o P.3 variant at isang kaso ng India o B.1.617.2 variant.

Dahil dito, umaabot na sa 2,494 ang mga kaso ng COVID-19 variants sa bansa mula sa 7,547 COVID-19-positive samples na idinaan sa sequencing University of the Philippines Philippine Genome Center (PGC) at National Institutes of Health.

Sa nasabing COVID-19 variant cases, 26 cases ang aktibo o nagpapagaling pa rin.

Kasabay nito ang mahigpit na paalala ng DOH sa pagsunod sa Minimum Public Health Standards at ang maagap na pagtukoy ng sakit at isolation upang maiwasang kumalat pa ang virus.

“DOH also encourages everyone to get vaccinated when it is your turn for added protection against the severe form of the disease,” dagdag nito.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: