Ugandan national arestado sa mahigit P45M halaga ng shabu sa NAIA

NABUKO ang 45-anyos na Ugandan national sa iligal na droga na itinago sa loob ng kanyang bagahe nang matuklasan  sa International Arrival Area ng Terminal 3 gabi ng Martes sa Pasay City.

Agad inaresto ng mga operatiba ng Philippine National Police (PNP) Aviation Security Group (AVSEGROUP) ang dayuhang suspek na negosyante nang dumating sa NAIA mula Madagascar na may connecting flight patungong Addis Ababa.

Hindi inakala ng dayuhan na mapapansin ang nakatagong droga sa kanyang bagahe ng Bureau of Customs sa x-ray operator ang itinago sa loob ng kulay abong maleta habang sumasailalim sa security screening.

Ipinabatid ang impormasyon sa NAIA Inter-Agency Drug Interdiction Task Group (IADITG)nang buksan at siyasatin ang laman ng loob ng maleta dito nakita ang nakatagong hinihinalang shabu sa loob ng false compartment na gamit niyang maleta na may timbang na 6,250 gramo na nagkakahalaga ng P42,500,000.

Sa ngayon ay nasa kustodiya ng NAIA-IADITG Operations Center ang dinakip na banyagang pasahero at ang nakuhang iligal droga .

“Walang puwang ang mga iligal na droga at anumang kriminal na aktibidad sa ating mga paliparan sa bansa dahil nagtutulungan ang AVSEGROUP katuwang ang lahat ng airport authorities at law enforcement units upang matuldukan ang mga ito,” pahayag ni Director BGen. Jay Reyes Cumigad.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.