Typhoon #RollyPH: Pre-emptive evacuation ini-umang na sa mga residente sa Camarines Norte

Share this information:

INATASAN na ng lokal na pamahalaan ng Camarines Norte ang pre-emptive evacuation sa may 35,000 pamilya o nasa 159,000 indibidwal kasunod ng paparating na super bagyo na si “Rolly” sa Bicol region.

Ayon kay Atty. Don Culvera, ang unified incident commander ng nabanggit na probinsya, kanila ng inaasahan ang pagkumpleto sa paglilikas sa mga pamilya na direktang tatamaan ng bagyo simula sa araw ng Sabado, Oktubre 31.

Ang mga inilikas ay pawang mga residente na nakatira sa lugar na madalas binabaha, pagla-landslides at maging sa mga dalampasigan mula sa mga bayan ng Daet, Vinzonz, Mercedes, Paracale at Panganiban.

“We instructed the local officials to start the evacuation on Friday until Saturday afternoon because, according to the weather bureau, the typhoon is expected to affect the province on Sunday morning,” saad ni Culvera.

Ngayong araw ng Biyernes ng inumpisahan ng ilikas ang mga residente ng nasa mga barangay ng San Isidro, Cobangbang, Awitan, Bagasbas at Mambalite.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.