DALAWANG buwan matapos ibasura ang aplikasyon sa prangkisa, binawi na ng National Telecommunications Commission (NTC) ang lahat ng frequencies at channels na nakatalaga sa ABS-CBN Corporation.
Sa pitong pahinang desisyon ng NTC na nilagdaan nina Commissioner Gamaliel Cordoba at Deputy Commissioners Edgardo Cabarios at Delilah Deles, dahil sa walang Congressional franchise ang ABS-CBN upang makapagpatuloy ng operasyon ay obliado ang komisyon na kunin muli ang mga frequency ng kumpanya.
Sakop ng frequency recall covered ang lahat ng free television at radio broadcasts ng ABS-CBN sa buong bansa kasama na ang Channel 2, AM radio station DZMM at DWRR-FM.
“Indubitably, the denial of Respondent’s franchise renewal application by Congress, coupled with the denial of Respondent’s Petition by the Supreme Court, lead to no other conclusion except that Respondent had already lost the privilege of installing, operating, and maintaining radio broadcasting stations in the country,” ayon sa direktiba ng NTC.
“Consequentially, absent a valid legislative franchise, the recall of the frequencies assigned to Respondent is warranted,” dagdag nito.