Kinumpirma ng ilang sources ng Kapatid network ang paglipat sa kanilang bakuran ng beteranong broadcast journalist na si Ted Failon na nagpaalam na sa kanyang tahanan ng ABS-CBN Channel 2.
Ayon sa sources, si Failon ay mapupunta sa Radyo Singko, kasama ang kanyang katambal sa programa nitong “Failon Ngayon” sa dzMM na si DJ Chacha o Czarina Marie Balba sa tunay na buhay.
Ang Radyo Singko ay FM Radio station na nasa ilalim ng TV5.
Hindi naman binanggit ng sources kung kailan ang takdang araw o petsa ng debut broadcast ni Failon sa naturang stasyon.
Matatandaan na nagpaalam na si Failon sa kanyang tahanan sa kapamilya network sa loob ng 30 taon nitong Agosto 31.
Sa pahayag ng ABS-CBN, dahil sa pagsasara sa lahat ng kanilang radio operations kayat nagdesisyon si Failon para lisanin ang network.
Nitong buwan ng Mayo taong kasalukuyan ng tuluyang mag “off the air” ang Channel 2 matapos ang shut down order ng National Telecommunications Commission (NTC) dahil na rin sa hindi na pinayagang bigyan ng panibagong 25 taong prangkisa ng kongreso.