Tumakas na South Korean mula sa BI detention cell, nadakip na

NATAGPUAN ng na Bureau of Immigration (BI) ang South Korean na tumakas mula sa kanyang detention cell sa Bicutan, Taguig City.

Ayon sa mga elemento ng BI Intelligence Division (ID) and Fugitive Search Unit (FSU), naaresto si Kang Juchun, 38 anyos, sa kanyang condominium unit sa N. Domingo St. sa Brgy. Ermitano, San Juan City ng pinagsamang puwersa ng Philippine National Police SMART, San Juan City Police Station Intelligence Branch, MIG 46 SIF, MFC-DI, Naval Intelligence Security Group-National Capital Region (NISG-NCR), at ng National Bureau of Investigation-Anti-Organized and Transnational Crime Division (NBI-AOTCD).

Siya ang inaresto sa bisa ng mission order na inisyu ni BI Commissioner Norman Tansingco.

Ayon sa report, si Kang ay tumakas matapos umanong umakyat sa may taas na 20 feet na perimeter fence na may barbed wire dakong alas-dos ng madaling araw noong May0 21.

He was limping when our agents arrested him,” ayon kay  Tansingco.  “We suspected that he could have been injured as it was a massive fall on a cemented road,” dagdag pa ng BI Chief.

Si Kang ay may arrest warrant na inisyu ng Seonsan Branch ng Daejeon District Court noong Pebrero sa kasong murder at abandonment of a dead body na isang paglabag sa Criminal Act ng Republika ng Korea.

Siya ay inaresto ng immigration officers sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 2 nang dumating ito mula sa Bangkok.

Dalawa pang South Korean ang inaresto na kinilalang si Lim Kyung Sup, 43 anyos, at Kim Mi Kyung, 39 anyos dahil sa pagtatago kay Kang. Nalaman din na si Kim ay nahaharap ng kaso sa Korea.

Nahaharap din sa kaso ang tatlo nang nakunan ng 1 kilo ng hinihinalang shabu na may street value na P10.2 milyon.

Bukod pa dito, base sa database, si Kim at Lim ay overstaying na.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.