Tulong para sa bibilhing abono ng mga magsasaka ng Antipolo, sisimulan ngayong buwan

Share this information:

INIANUNSIYO ng pamahalaang lungsod ng Antipolo na gumagawa na ito ng hakbang upang mapababa ang presyo ng bigas.

Isa rito ay paggawang maging “partially subsidized” ang bibilhing abono ng mga magsasaka sa halagang P6,600 lamang kada ektarya, ayon kay Antipolo Mayor Jun Ynares.

Dagdag pa ni Ynares, upang maging mas masagana ang pag-ani ng mga Antipolenyo, mayroon silang ipapatupad na Masagana 150 rice program na naglalayong maka-ani ng 7.5 metric tons ng bigas kada ektarya upang makatulong na mapababa ang halaga ng produksyon ng bigas.

Sa ngayon, 254 na mga magsasaka at kabuuang 316 ektarya na ang nagpa-rehistro para sa programang nabanggit.

Para sa mga interesado, maaaring makipag-ugnayan sa Office of the City Agriculture sa numerong 8689-4579 o sa kanilang Facebook page.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.