Obispo, nanawagan na i-boycot ang kontrobersiyal na “Maid in Malacañang”

Share this information:

PINABO-BOYCOTT ng isang mataas na opisyal ng Simbahang Katoliko ang kontrobersiyal na pelikulang “Maid in Malacañang.” 

Inilarawan ni Diocese of San Carlos Bishop Gerardo Alminaza ang  pelikula bilang “shameless,” at nanawagan sa mga tao sa likod nito na mag-isyu ng paghingi ng tawad. 

The producer, scriptwriter, director and  those promoting this movie should publicly apologize to the Carmelite nuns, to President Cory Aquino’s family and to the Filipino people,” sabi ng prelate ayon sa CBCP News.

Pumalag ang obispo sa trailer ng pelikula na naglalarawan sa yumaong dating pangulo na naglalaro ng mahjong kasama ang isang grupo ng mga madre. 

Humingi ng kanlungan si Aquino magdamag sa monasteryo ng Carmelite sa Cebu noong kasagsagan ng1986 Edsa People Power Revolution.

Hinamon ng obispo ang Movie and Television Review and Classification Board o MTRCB na nasa ilalim ng Office of the President upang kumilos sa isyu at gamitin ang mandato nito.

Would the MTRCB act responsibly on this and perform its mandated duty?” pagtatanong pa ni Bishop Alminaza.

(PHOTO CREDIT: CBCPNews.net)

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.