Tugade, iritable na sa kaliwa’t kanang ‘muryot’ ng mga commuters hinggil sa paggamit ng beep card sa edsa

Ibinabala ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Arthur Tugade na ipapatigil nito ang paggamit ng beep card sa Edsa Busway kung hindi magagawang ilibre ito sa mga commuters.

Ayon kay Assistant Secretary Goddess Hope Libiran, spokesperson ng DOTr, dismayado na umano si Tugade dahil sa mga reklamo ng mga pasahero kaugnay sa ibinebentang mga beep cards.

Muryot kasi ng mga pasahero ay dagdag gastos lamang ito para sa kanila.

Bukod dito, nais din ipatupad ng DOTr ang ‘No minimum load at No convenience fee.’

Sa ngayon ay under negotiation pa umano ang pakiusap ng DOTR sa private company na nagbebenta ng beep card na gawing libre ang beep card.

Sakaling hindi umano ito mapagbigyan ay mapipilitan ang ahensya na ipatigil ang paggamit ng beep card at maghanap ng bagong supplier ng beep cards.

Dagdag pa ni Libiran, ngayon panahon ng pandemic lang naman nila hinihiling na ilibre ang beep cards upang hindi na ito makabigat pa sa mga commuters.

Sa susunod na linggo ay maglalabas umano ng memorandum circular ang ahensya upang mas mailatag ang mga polisiya sa paggamit ng cashless payments.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.