DepEd, nangangamba sa unang araw ng klase sa Oktubre 5 kaugnay ng kinakaharap na pandemya

All systems go na ang Department of Education (DepEd) sa unang araw ng pagbubukas ng klase sa darating na Lunes, Oktubre 5, subalit asahan umano na hindi ito perpekto.

Ayon kay Usec. Diosdado San Antonio, inaasahan pa din na mayroong mga minor issues sa unang araw ng school year 2020.

Sa tala ng DepEd, nasa 24 million ang nag enroll habang 2 million pa ang hindi pa nakakapag enroll.

Dahil dito, tuloy pa rin ang enrollment pa hanggang sa huling linggo  ng Nobyembre basta hindi pa natatapos ang first periodical grading.

Base sa survey, 59% ang gagamit ng printed module at 20%  ang online learning.

Nabatid na umabot sa 400,000 na estudyante mula sa mga private schools ang lumipat sa mga pampublikong paaralan.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.