Tserman, 3 pang barangay officials, arestado sa anomalya sa SAP

Share this information:

INARESTO na ng mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang barangay chairman sa bayan ng Jiabong sa Samar gayundin ang tatlo pang opisyal ng barangay kaugnay ng umano’y anomalya sa distribusyon ng Social Amelioration Program (SAP) sa kasagsagan ng COVID-19 pandemic.

Ayon kay CIDG Director Maj. Gen. Eliseo Cruz, nag-ugat ang kaso sa mga reklamo ng iregularidad sa pamamahagi ng cash assistance sa Barangay Malobago sa bayan ng Jiabong nuong Hunyo 2020.

Kabilang sa mga dinakip ng CIDG ay sina Barangay Captain Gilbert Labendia, barangay councilors Corazon Labrague, Oscar Godin at Noemi Romano.

“Based on the information they received from a concerned citizen, Labendia and his three kagawad were involved in the splitting of cash assistance received by SAP beneficiaries,” ani Cruz.

Inimbestigahan at sa huli’y nakasuhan ang apat na opisyal  ng barangay sa kasong paglabag sa Anti-Graft and Corruption Practices Act (Republic Act 3019).

Sinabi pa ni Cruz na si Labendia ay itinuturo ring lider ng “Villalinda Group” na nasasangkot umano sa scam, estafa at iba pang ilegal na aktibidad sa Western Samar.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.