Inflation rate sa Mayo, papalo sa 5.0 hanggang 5.8 percent – BSP

TINATAYA ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na umabot sa pagitan ng 5.0 hanggang 5.8 percent ang maitatalang inflation rate para sa buwan ng Mayo.

Ayon kay BSP Governor Benjamin Diokno, iyan ay dahil sa patuloy pa rin na pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo at mga pangunahing bilihin.

Bumaba rin aniya ang halaga ng piso kontra dolyar na naka-apekto sa pagsipa ng inflation para sa kasalukuyang buwan.

Gayunman, sinabi ni Diokno na maaaring mabalanse ito ng mababang singil sa kuryente ng Meralco, pagbaba ng presyo ng liquified petroleum gas (LPG), at mababang halaga ng bigas.

Kasabay nito, tiniyak ni Diokno na patuloy na tututukan ng BSP ang pagbabago ng presyuhan upang agad na makagawa ng kaukulang hakbang at makontra ang negatibong epekto nito sa ekonomiya ng bansa.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.