Tricycle driver, patay sa Christmas Day road crash sa Bataan

Share this information:

PATAY ang isang tricycle driver matapos mabangga ng motorsiklo ang minamaneho niyang tricycle sa Roman Expressway, Brgy. Cabcaben, Mariveles, Bataan nitong Araw ng Pasko. 

Ayon sa ulat mula sa mga tauhan ng Philippine National Police sa bayan ng Mariveles, kinilala ang biktimang namatay na si Efren Angeles, 67 anyos, at residente ng naturang barangay.

Nabatid sa imbestigasyon ng pulisya na tumatawid sa Roman Highway ang tricycle na minamaneho nito at nataon namang paparating ang isang motorsiklo na minamaneho ni Reynaldo Donaire, legal age, taga Townsite Mariveles, na bumangga sa tricycle ng biktima.

Kapwa isinugod sa ospital ang dalawa subalit binawian ng buhay ang nabanggit na tricycle driver.

Kasong Reckless Imprudence Resulting in Homicide and Damage to Properties ang kinakaharap ng motorcycle rider.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.