POSIBLENG umanong magpatupad ng travel ban sa Vietnam upang maiwasan ang magpasok ng sinasabing hybrid variant.
Pero ayon kay Health Usec Maria Rosario Vergeire, hindi pa puwedeng pangunahan dahil kailangan pang iberipika at wala pang sapat na ebidenysa na ang nasabing variant na kombinasyon ng India at UK variant.
Ayon pa kay Vergeire, pinag-aaralan na ng mabuti ng World Health Organization (WHO) ang ulat matapos magpalabas ang gobyerno ng Vietnam hinggil sa mix variant na base sa kanilang pag-aaral at mabilis na makahawa sa pamamagitan ng hangin upang makapagbigay ng guidelines.
Aniya, nagpalabas na rin ng announcement ang WHO na hindi pa nakukuha lahat ang mga detalye at nakikipag-ugnayan pa ito sa Vietnam.
Ang WHO rin aniya ang nagka-classify ng variant of concern.
“If ever this would be proven na totoo nga po at mayroon talaga soyang concrete na ebidensya na this would happen, WHO would guide all countries kung ano ang gagawin”, ani Vergeire.
Gayunman, mayroon naman aniyang ipinatutupad na safeguards sa ating bansa.
Nanatili aniya ang mga protocol para sa mga travellers na papasok sa bansa.
“If that would be something na sasabihin ng WHO at sinabi nila na ang classification is of concern, nandiyan po yung posibilidad na maaring gawin yan para lamang ma-prevent ang pagpasok ng ganitong variant sa ating bansa”, pahayag pa ni Vergeire kaugnay s pagpapatupad ng travel ban sa Vietnam.
Sapat naman ayon kay Vergeire ang ipinapatupad na protocol ngunit kung napatotoo ang nasabing bagong variant mula Vietnam ay kailangan lamang na iintensify o mas higpitan ang mga protocols na ito.