Breaking News

Share this information:

NABAWASAN ang bilang ng mga naisasalang sa COVID-19 test sa Metro Manila ngunit tumataas naman sa Visayas at Mindanao.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, ang average na bilang ng lingguhang COVID-19 swab tests sa National Capital Region ay bumaba sa 189,000 mula sa dating 232,000.

Pero sinabi ni Vergeire na posibleng dahil ito sa pagbaba ng mga kaso sa NCR at ang paggamit na ng ibang pamamaraan ng COVID-19 test sa NCR plus tulad ng antigen testing.

Dinamihan kasi ng gobyerno ang pagdeploy ng antigen testing kits sa Metro Manila at mga kalapit probinsiya nuong Abril matapos na sumirit ang COVID-19 cases.

Nauna na ring sinabi ni DOH Epidemiology Bureau director Dr. Alethea De Guzman na ang resulta ng antigen testing ay hindi kasama sa naitatalang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng COVID-19.

Samantala, sinabi ni Vergeire na tumaas naman ang lingguhang testing sa Visayas na mula sa 46,000 ay nasa 50,000 na ngayon habang sa Mindanao naman na dating 29,000 kada linggo ay nasa 42,000 na ngayon ang average tests.

“Nakikita po natin ‘yung pagtaas ng testing outputs doon sa mga lugar na naaapektuhan ngayon ng pagtaas ng kaso at dito naman po sa NCR, nakikita natin ang konting pagbaba,” ani Vergeire.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: