HINDI na muna aarangkada ang taunang prusisyon ng imahen ng Itim na Nazareno sa susunod na taon dahil sa pandemyang dulot ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ini-anunsyo ito ng pamahalaang lungsod ng Maynila sa harap ng dinagdagan na ring kapasidad ng mga pinapayagan sa mga simbahan.
Kada taon ay milyung-milyong debotong Katoliko ang nakikilahok sa Traslacion o ang grand procession ng Black Nazarene mula sa Quirino Grandstand hanggang sa maibalik sa Quiapo church.
Photo Credit: Vatican News