Tourist visa extension application, bumagsak sa 45 porsiyento

Share this information:

BUMAGSAK ng halos 45 porsiyento  ang bilang ng mga naga-aplay para sa tourist visa extension noong taon 2020.

Sinabi ni Bureau of Immigration (BI) Commissioner Jaime Morente  na base sa datos ng Tourist Visa Section (TVS), umabot lamang sa 240,276 ang bilang ng mga aplikante para sa applications for extension of stay ng mga turista.

Nangangahulugan ito na 44.67 porsiyento na mas mababa sa 434,251 na kahalintulad na mga aplikasyon na kanilang natanggap noong 2019.

Ayon kay Morente na inaasahan ang pagbagsak ng bilang dahil sa travel bans na ipinapairal dahil sa COVID-19 pandemic.

“International travel restrictions remain in place even as we anticipate a gradual lifting of these restrictions this year as the vaccines against COVID-19 begin to arrive,” sinabi ng BI chief.

“We hope that the tourism industry will finally rebound at least by the second or third quarter of 2021 and the Philippines will once again open its doors to foreign visitors,” dagdag pa ni Morente.

Paliwanang pa niya na dahil sa travel restriction ay bumagsak din ang visa extension fees kaya umabot lamang ng P1.3 bilyon ang nakolekta noong nakaraang taon kumpara sa P2.2 bilyon noong 2019.

Sinabi pa ni Morente na ang mga nakokolekta mula sa visa extension fees ay isa sa pinagkukunan ng pondo ng kawanian.

“Despite the low numbers for 2020, we remain hopeful that the tourism industry can bounce back this year,” ayon pa kay  Morente.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.