Tomboy, tiklo matapos ang 24 na taong pagtatago

Share this information:

Walang kawala ang isang 59-anyos na tomboy kaninang umaga nang arestuhin ito ng mga awtoridad matapos ang 24 taong pagtatago dahil sa pagkakapaslang nito sa kanyang kapit-bahay  na ayaw magbayad ng isang libong pisong pagkakautang noong taong 1997.

Natukoy ni Sta. Cruz Laguna police Chief, PLt. Col. Chitadel Gaouiran, ang suspek na si Lorna Landerito na residente ng Sitio Villagracia, Brgy. Callios, Sta. Cruz, Laguna.

Kabilang si Landerito sa Most Wanted Person Ranked No. 1 (Provincial Level) na may kasong murder.

Walang piyansa ang inihaing Warrant of Arrest kay Landerito na inisyu ni Judge Fernando Aclibon Jr. ng Regional Trial Court Branch 28, Sta. Cruz, Laguna.

Matatandaan na taong 1997 ng Agosto 30, bandang alas 10:05 ng gabi nang pagsasaksakin ni Landerito ng kutsilyo sa iba’t-ibang bahagi ng katawan si Erwin Agkis, a.k.a Toto, 34 anyos na agad namatay, dahil sa hindi makabayad ng utang na halagang isang libong piso sa suspek.

Nasa piitan na ang nasabing suspek at hinihimas na ang malamig na rehas.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.