Inspektor ng bus, nanaksak sa loob ng bus terminal

Share this information:

Nauwi sa saksakan ng dalawang magkaibigan ang dapat sana ay masayang inuman sa loob ng isang bus terminal kahapon sa Binan City, Laguna.

Nakilala ng Chief of Police ng Binan City na si PCol. Giovanni Martinez ang suspek na si Alberto Teano  y Andaya, 50 anyos, bus inspector at residente ng Brgy. Banadero, Tanauan, Batangas.

Ang biktima naman ay nakilalang si John Albena y Bombani, 26 anyos, at kasalukuyang nanunuluyan sa JAC Liner Bus Terminal sa Brgy. Sto. Domingo, Binan City, Laguna.

Base sa kuwento ng nakasaksi sa pangyayari na si Welfredo Makig-angay, nag-iinuman kahapon sina Teano at Albena sa loob ng JAC Liner Bus Terminal  na umabot hanggang alas-5 ng madaling araw.

Dahil na rin sa sobrang kalasingan bigla na lamang nagkapikunan sa kwentuhan ang dalawa at agad kumuha ng kutsilyo si Teano.

Pinagsasaksak sa iba’t-ibang bahagi ng katawan si Albena at agad na itinakbo sa Ospital ng Binan upang gamutin, habang si Teano naman ay dinampot agad ng mga awtoridad saka ikinulong sa Binan City Police Station.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.