Umakyat na sa kabuuang 582,223 ang bilang ng tinatamaan ng sakit na COVID-19 sa bansa.
Ito ay matapos na madagdagan pa ngayong araw ng 1,783 na mga bagong kaso.
Nakapagtala naman ng 330 na mga recovereis kung saan umabot na sa kabuuang 534,778 ang gumagaling sa nakamamatay na sakit.
At may 20 naman ang naitalang pumanaw dahilan para maging 12,389 na ang kabuuang bilang ng mga namamatay sa sakit.
Sa ngayon, ang aktibong kaso na patuloy na ginagamot sa mga pasilidad ay nasa 35,056, habang ang mild at asymptomatc na kaso ay nasa 94.8 percent.
Muli namang dumami ang mga laboratory na bigong makapagsumite ng kanilang datos sa CDRS kung saan ayon sa DOH case update ay nasa pitong Covid laboratories.
Samantala, dalawa naman ang duplicate na naalis mula sa total case counts kung saan isa ang recovery.
Nasa 14 kaso naman na na-tag bilang recoveries ang na-reclassify bilang pumanaw matapos ang final validation.