Dating PCO chief Cesar Chavez, balik Maynila na uli; magiging chief of staff muli ni Domagoso

MAGBABALIK serbisyo si dating Presidential Communications Secretary Cesar Chavez sa pamahalaan ng lungsod ng Maynila bilang chief of staff ni incoming Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso.

Kinumpirma ito ni Chavez, na dati nang naging chief of staff ni Domagoso mula 2019 hanggang 2022, at naging bahagi din ng presidential campaign team ng bagong mayor noong 2022 presidential elections.

Matatandaang nabanggit na rin ni Chavez na kinausap siya ni Domagoso bago magsimula ang local campaign para sa May 12 elections.

“Sabi niya dito na tayo, dito na tayo tatanda,” kuwento ni Chavez nang muli silang magkadaupang- palad.

Nang matapos ang halalan, sabi ni Chavez ay sinabihan siya ni Domagoso na maging kanyang chief of staff, sabay labas ng listahan ng mga gusto agad niyang gawin sa Maynila.

 “Foresight and executive ability at decisiveness ni Yorme. Diyan ako inspired,” sagot ni Chavez nang tanungin sa isang panayam kung bakit tinanggap niya ang alok na bumalik sa local government service.

Ayon kay Chavez, gusto ni Domagoso ng minimum na 10-year development plan para sa Maynila.

“‘Yan ang malaking pagkakaiba ngayon: Mas naka-focus si Yorme sa 10-year development plan for Manila,” dagdag pa ng dating communications secretary.

Ang 10-year development plan na ito ay tatalakayin umano sa inaugural address ni Domagoso.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.