BINIGYANG-DIIN ng Philippine Red Cross (PRC) ang kahalagahan ng COVID-19 testing lalo ngayong mabilis na kumakalat ang Delta variant.
Ang PRC, na isang leading organization para sa COVID-19 testing ay nakapagsagawa na ng 3,669,177 tests conducted.
Paaala ng PRC sa publiko na ang banta ng Delta variant ay totoo at patuloy na tumataas.
“We must continue testing. Kahit ikaw ay bakunado na, potential carrier ka pa rin ng Covid at may kakayahan na makapanghawa sa ibang tao. Testing is the only way to separate the asymptomatic and non-asymptomatic virus spreaders from the non-infected,” ayon kay PRC Chairman and CEO Sen. Richard Gordon.
Ang PRC ay mayroon na ngayong 13 molecular laboratories na gumagana sa buong bansa.
Sa lalong madaling pamahon ay bubuksan na rin ang molecular labiratory sa Cotabato City upang maserbisyuhan ang marami pang indibidwal sa paglaban sa Covid-19.
Aasahan na rin ng PRC ang malaking volume ng ma-aadmit sa apat nilang isolation facilities sa UP Ateneo, Benilde at Makati Science High School at emergency field hospital sa Lung Center of the Philippines habang ang Delta variant ay patuloy na kumakalat sa buong bansa.

