Mga may iskedyul ng bakuna, exempted sa restrictions

EXEMPTED sa restrictions ang mga indibidwal na may iskedyul nang magpabakuna o kasama sa authorized persons outside their residence (APOR).

Kailangan lamang umanong dalhin ang kanilang vaccination cards  o iskedyul ng pagbabakuna upang may maipakita sa enforcers  para sila ay payagang mag-travel.

Ito ang pahayag ni Department of Health Usec Maria Rosario Vergeire kaugnay sa katanungan kung maaaring mag-travel ang mga indibidwal na may iskedyul nang magpabakuna ngunit sa ibang lugar nakatira.

Paliwanag ni Vergeire, magpapatuloy ang vaccination kahit pa hihigpitan ang restrictions  o nasa enhanced community quarantine classification simula August 6 hanggang 20.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.