Taytay, pasok sa mga pinakamatatag na LGUs

Share this information:

Patuloy ang pananalasa ng pandemya na dulot ng COVID-19 sa Pilipinas at sa buong mundo.

Pero sa kabila ng mga matinding pagsubok bunsod ng patuloy na banta ng pandemyang ito, nananatiling matatag ang estado ng bayan ng Taytay, batay na din sa talaang inilabas ng Commission on Audit (COA).

Sa pinakahuling Annual Financial Report (AFR) for Local Government, lumalabas na ika-apat na pinakamatatag ang Taytay sa talaan ng 1,489 na mga munisipalidad sa bansa para sa taong 2019.

Nakapagtala ang pamahalaang bayan ng Taytay ng umaabot sa P1.16 bilyong total revenue. 

Bunsod nito, kinilala ng COA ang Taytay sa aspeto ng husay nito sa larangan ng paghimok at pagpapayabong ng negosyo kung saan nagmula ang malaking bahagi ng kabuuang kita ng bayan.

Sa isang pahayag, minarapat ni Taytay Mayor Joric Gacula na igawad ang pagkilala ng COA sa sigasig ng mga kawani ng lokal na pamahalaan at maging sa mga negosyanteng patuloy na naniniwala sa potensiyal ng Taytay, na higit na kilala ngayon bilang “Garments Capital” ng bansa.

Bukod sa pagiging “Garments Capital,” kilala din ang Taytay na isa sa mga pinakamainam na lugar para sa negosyo lalo pa’t hindi ito kalayuan sa National Capital Region (NCR). Bentahe din ng nasabing bayan ang umiiral na economic policy ng munisipalidad, mga manggagawang may angkop na klasipikasyon, kwalipikasyon at kakayahan para sa iba’t ibang uri ng trabaho, mainam na imprastraktura, komunikasyon at ang umiiral na peace and order.

Kasabay nito, hinikayat ng alkalde ang mga namumuhunan na  patuloy na magtiwala sa kakayahan ng kanilang bayan na mapanatili ang investor-friendly business climate sa kanilang lokalidad.

Kinilala din ni Gacula ang sipag at dedikasyon ng mga kawani ng lokal na pamahalaan para naman sa patuloy na pagsisikap, katapatan at dedikasyong makapagsilbi sa kabila ng hindi kataasang sahod.

Kaugnay nito, nasa ikalawang puwesto naman ang lalawigan ng Rizal sa listahan ng pinakamatatag na lalawigan sa buong bansa. Nakapagtala ang lalawigan ng Rizal ng P5.52 billion total revenue at P20.275 billion total assets para sa nasabi ding taon.

Kamakailan lamang ay tumanggap ang Taytay ng dalawang magkasunod na pagkilala para sa husay sa digital governance at pagiging Most Competitive Municipality.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

Binata, kalaboso sa pang-aagaw ng cellphone ng ina

Fri Jan 15 , 2021
Rehas na bakal ang kinasadlakan ng isang tambay matapos sapilitang agawin ang cellphone ng kanyang ina sa Navotas City kamakalawa ng hapon. Kinilala ni Navotas police chief Col. Rolando Balasabas ang naarestong suspek na si Noel Masanque, 21, ng Blk 32, Lot 11, Lumang Pabahay, Tanza 2, na nahaharap sa […]

Follow Us

%d bloggers like this: