Binata, kalaboso sa pang-aagaw ng cellphone ng ina

Share this information:

Rehas na bakal ang kinasadlakan ng isang tambay matapos sapilitang agawin ang cellphone ng kanyang ina sa Navotas City kamakalawa ng hapon.

Kinilala ni Navotas police chief Col. Rolando Balasabas ang naarestong suspek na si Noel Masanque, 21, ng Blk 32, Lot 11, Lumang Pabahay, Tanza 2, na nahaharap sa kasong Robbery with force upon things at Resistance and Disobedience.

Sa inisyal na imbestigasyon, dakong 2:40 ng hapon, tinuturuan ng biktimang si Melinda Masanque, 49, vendor, ang kanyang apong babae gamit ang cellphone sa Gumamela St, Brgy. Tanza 2 nang dumating ang suspek at sapilitang inagaw ang cellphone bago tumakas.

Agad namang ini-report ng biktima ang insidente sa barangay outpost ng Tanza 2 kung saan mabilis na rumesponde ang mga pulis na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek.

Gayunman, pumalag ang suspek at pinagmumura pa ang mga pulis saka gumawa ng gulo subalit kalaunan ay nagawa rin itong maposasan at narekober sa kanya ang cellphone.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

Palace includes UAE and Hungary in extended travel ban

Sat Jan 16 , 2021
MALACAÑANG has included the United Arab Emirates and Hungary in the government-imposed travel ban, which had just been extended until the end of the month. Presidential spokesperson Harry Roque said that President Rodrigo Duterte approved the recommendation of the Department of Health to include UAE and Hungary among the restricted […]

Follow Us

%d bloggers like this: