Taxi driver, hinangaan dahil sa libreng pagsakay nito sa mga frontliner

ISANG taxi driver ang hinangaan ng publiko matapos itong magbigay ng libreng sakay sa isang magkasintahan na kapwa mga frontliner. 

Sa isang Facebook post, ikinuwento ni Johnasse Sebastian na alas-6:30 isang umaga ay sinundo niya ang kanyang girlfriend galing sa graveyard shift.

Sa araw na iyon, masama ang panahon at pabugso-bugso ang malakas na ulan at “wala kaming masakyan kaya nagdecide na kami na magtaxi hanggang recto.”

Nag-uusap ang dalawang magkasintahan ng tanungin sila ng taxi driver, na nakilala lamang sa pangalang “Kuya Ariel” kung sila ba ay frontliner. Sumagot naman si Sebastian at sinabing “nurse ako.” 

Kaagad pinatay ni “Kuya Ariel” ang metro ng taxi at sinabing libre na ang sakay nila. Nagulat ang magkasintahan at inakalang nagbibiro lamang ang driver. Naniwala lang ang dalawa matapos itinaas ni Kuya Ariel ang karatulang “Basta frontliner libre.”

Dahil sa ginawa ni Kuya Ariel, naantig ang puso ng magkasintahan dahil umano may taong nagpapasalamat sa kanilang propesyon. 

“Masaya po ako sa ginagawa ko, malaki po ang pasasalamat ko sa mga tulad nyong frontliner,” ang pahayag ng driver. 

Binalak niya din magbayad ngunit hindi ito tinanggap ni Kuya Ariel dahil mawawala ang “essence” ng kanyang ginagawa.

Pang 33 frontliner na silang naisakay ni Kuya Ariel. 

Sa mundong magulo at malungkot, gawin o hanapin natin lagi ang mga magagandang bagay. Walang mahirap kung tayo ay magtutulungan lagi,” ito ang iniwang salita ni Sebastian. 

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.