Tatlong obrero, patay matapos mahirapan huminga sa ginagawang paghuhukay sa Quezon

crime scene do not cross
Share this information:

TATLONG manggagawa ang namatay matapos makalanghap ng di pa matukoy na uri ng gas sa Mulanay, lalawigan ng Quezon.

Batay sa impormasyong ibinigay ng Mulanay municipal police station, kinilala ang mga namatay na sina Jesus Largo III, 19 anyos, Macmac Valenzuela, 18 anyos, at Sandy Basillo, 27 anyos, ng Lobo, Camarines Norte.

Umabot na sa 7.5 na metro o mahigit 21 talampakan ang lalim ng nahukay ng tatlo nang bigla silang nawalan ng malay.

Ang ginawang hukay ay para sana sa itatayong tulay sa bahagi ng Brgy. Patabog.

Bagamat naisugod pa sa ospital ang tatlong manggagawa, nabigo ang mga doktor na i-revive ang tatlo sa sobrang hirap na nila sa pghinga.

Ayon kay Police Staff Master Sgt . Allan Ayeng, may kakaibang amoy ng gas na mula sa hukay ang maaaring nalanghap kung kaya nawalan ng malay ang tatlong manggagawa

Nagpapatuloy pa rin ang imbestigasyon ng pulisya at tinitingnan din ang pananagutan ng contractor ng proyekto kung may mga pagkukulang ang mga ito sa usapin ng safety o kaligtasan ng kanilang mga tauhan.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.