Target na P20 na presyo ng bigas ng susunod na administrasyon, hindi pa makatotohanan sa ngayon

Share this information:

SINABI ni Department of Agriculture (DA) Secretary William Dar na ang sinabi ng susunod na administrasyon na target nitong pababain sa P20 ang presyo ng bigas ay hindi pa makatotohanan sa ngayon.

Ayon kay Dar, masyado pang mataas ang production cost dulot na rin ng mataas na presyo ng mga pataba

Inihayag pa ni Dar na hindi pa man sumisiklab ang giyera sa pagitan ng Ukraine at Russia, nasa P11.50 na ang production cost ng kada kilo ng palay at sa ngayon ay umabot na sa halos P15 ang production cost

Inihalimbawa ng kalihim ang bansang Thailand na nasa P8 lang ang production cost habang P6 lang sa Vietnam

Sinabi nitong kapag napababa na ang production cost, doon na posible mangyari ang P20 na kada kilo ng bigas.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.