Breaking News

Share this information:

TATLONG mga lalaking hinihinalang sangkot sa iligal na droga ang natimbog ng pulisya sa isinagawang magkahiwalay na buy-bust operation sa Navotas City Martes ng gabi.

Kinilala ni Navotas police chief Col. Dexter Ollaging ang naarestong mga suspek na si Alfredo Malaca, 41 anyos, (pusher/listed), Henison Tanghal, 42 anyos, (pusher/listed) at Glen Mark Lacson, 35 anyos, (user/listed), pawang residente ng lungsod.

Ayon kay Col. Ollaging, dakong alas-10:55 ng gabi nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni PLt. Genere Sanchez ng buy-bust operation sa L. Santos St., Brgy. Tangos South.

Isang pulis na nagpanggap na buyer ang nagawang makapagtransaksyon kay Malaca at Tanghal ng P500 halaga ng droga.

Nang tanggapin ng mga suspek ang marked money mula sa poseur-buyer kapalit ng isang sachet ng shabu ay agad silang dinamba ng mga operatiba kasama si Lacson.

Nakumpiska sa mga suspek ang nasa 15 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nasa P102,000 ang halaga, buy-bust money, P500 cash at leather coin purse.

Kasong paglabag sa RA 9165 ang isinampa ng pulisya kontra sa mga naarestong suspek sa Navotas City Prosecutors Office.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: