Breaking News

Share this information:

NASA kritikal na kalagayan ngayon ang isang pedicab driver matapos pagtatagain ng kanyang step father (amain) na isang buko vendor makaraan ang isang mainitang pagtatalo hinggil sa pagkukumpuni ng kanilang bahay sa Malabon City kamakalawa ng gabi.

Inoobserbahan sa Tondo Medical Center sanhi ng tinamong mga taga sa ulo at katawan ang biktimang si Marcelino Austria, 63 anyos, ng No. 123-31 Dulong Bronze St., Brgy. Tugatog.

Naaresto naman ng rumespondeng mga tauhan ng Malabon Police Sub-Station 2 ang suspek na si Eduardo Aguilar, 72 anyos, ng No. 127-31 Dulong Bronze St. at narekober sa kanya ang ginamit na bolo sa pananaga.

Sa report nina police investigators PSSgt. Mardelio Osting at PSSgt. Ernie Baroy kay Malabon police chief Col. Albert Barot, dakong alas-7:40 ng gabi nang magkaroon ng mainitang pagtatalo ang biktima at ang suspek sa No. 127-31 Dulong Bronze St. hinggil sa pagkukumpuni ng kanilang bahay.

Sa kainitan ng pagtatalo, kumuha ng bolo ang suspek saka pinagtataga sa ulo at katawan ang biktima na kalaunan ay nagawang makatakas hanggang sa makahingi ng tulong sa mga tauhan ng SS-2.

Matapos nito, isinugod ang biktima sa naturang pagamutan ng kanyang kapatid na si Malou Austria habang nadakip naman ang suspek.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: