Breaking News

Share this information:

KALUNUS-LUNOS na kamatayan ang sinapit ng isang hindi pa nakikilalang lalaki na pinugutan ng ulo saka isinilid sa sako at itinapon ang katawan sa bakanteng lote sa Caloocan City.

Ayon sa ulat, dakong alas-7:50 ng umaga nang makita ng isang concerned citizen ang isang puting sako sa kahabaan ng Gumamela ST. corner Cadena De Amor St., Brgy. 175 na may bahid umano ng dugo.

Ipinagbigay-alam ang insidente sa mga barangay officials na siya namang nagreport sa pulisya. Nang buksan ang sako, tumambad sa kanila ang katawan ng isang lalaki na walang ulo at putol din ang kanang hintuturo nito.

Inilarawan ang biktima na nasa 30-anyos ang edad, may taas na 5’5″ at may tattoo ng dragon sa likurang bahagi ng katawan na siyang pangunahing palandaan para makilala ito..

Hinala ng pulisya na sa ibang lugar pinatay ang biktima at itinapon lamang sa naturang lugar para iligaw ang mga pulis sa imbestigasyon.

Patuloy ang isinasagawang follow-up investigation ng pulisya para sa pagkakakilanlan ng biktima at sa motibo sa pagpatay sa kanya.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: