Breaking News

Share this information:

ARESTADO ang tatlong misis na kolektor umano ng “lotteng” sa isinagawang anti-illegal gambling operation ng pulisya sa Navotas City kamakalawa ng hapon.

Kinilala ni District Special Operation Unit – Northern Police District (DSOU-NPD) chief PLt. Col. Jay Dimaandal ang mga nadakip na sina Ines Noble,  57 anyos, “Bet Collector/ Kabo,” Ma. Zenia Gonzales, 58 anyos, “bet collector,” at Emma Villasor, 52 anyos, “bet collector” at pawang residente ng Brgy. NBBN.

Sa imbestigasyon ni PMSgt. Julius Mabasa, nakatanggap ng impormasyon ang mga operatiba ng DSOU mula sa isang concerned citizen hinggil sa nagaganap umano na illegal gambling na kilala bilang “Lotteng” sa No. 447 Brgy. Barangay North Bay Boulevard North (NBBN).

Agad bumuo ng team ang DSOU sa pamumuno ni PLt. Melito Pabon saka pinuntahan ang naturang lugar dakong alas-3 ng hapon, kasama ang mga tauhan ng Navotas police kung saan nakita ng mga ito ang tatlong babae na nagpapataya umano ng ilegal na sugal.

Nilapitan ng mga arresting officer ang tatlong babae at nagpakilalang mga pulis saka inaresto ang mga ito at narekober sa kanila ang tatlong ballpen, 2 pirasong papelitos at P1,850 bet money.

Sinabi ni PLt. Col. Dimanadal, ang matagumpay na pagkakaaresto sa mga suspek ay sa pamamagitan ng patnubay at matibay na pamumuno ni NPD Director PBGen. Jose Hidalgo Jr., upang sugpuin ang lahat ng uri ng iligal na sugal sa area ng NPD.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: