KALABOSO ang kakalagpakan ng tatlong katao sa isinagawang raid ng Orani Police sa isang suspected drug den sa Noraville Subd. Brgy. Tugatog, Orani, Bataan noong Linggo ng hapon.
Ayon sa ulat mula kay Orani Deputy Chief of Police, Police Lt. Gilcerio Dizon Jr., kinilala ang mga nadakip na sina Philip Santos, 41 anyos, taga Balut, Orani, Bataan; James Mark Pareño, 29 anyos, taga Tapulao, Orani, Bataan; at John Lee Pagtalunan, 26 anyos, walang trabaho at naninirahan din sa Noraville Subd. Tugatog, Orani, Bataan.
Nabatid sa ulat ng pulisya na nahuli sa akto ang mga nabanggit na suspek habang nasa kalagitnaan ang mga ito na sabay-sabay na gumagamit ng ilegal na droga o shabu gamit ang drug paraphernalia.
Mismong kapitan ng barangay umano ang nagsabi sa Philippine National Police (PNP) na ang naturang bahay ay isang drug den.
Dinala ang mga ebidensya at mga suspek sa himpilan ng Orani PNP para sa proper documentation at disposition.

