ZERO COVID-19 patient o wala nang naitalang pasyente na may COVID-19 sa tatlong district hospital ng lungsod ng Maynila.
Batay sa pinaka-huling datos ng Manila Health Department (MHD) ngayong Oktubre 17, 2022, kabilang sa mga ospital na mga wala nang pasyente ng COVID-19 ay ang Gat Andres Bonifacio, Ospital ng Tondo at Ospital ng Sampaloc.
Samantala, aabot na lamang sa 23 na pasyente ang naka-confine sa tatlo pang district hospitals ng Maynila.
Mula sa bilang, 16 ang nasa Ospital ng Maynila, anim naman sa Sta. Ana Hospital, at isa lamang sa Justice Jose Abad Santos General Hospital.
Ito ay katumbas ng eight-percent bed occupancy sa anim na district hospital ng lungsod, at mas mababa kumpara sa 11 percent na naitala noong Oktubre 10.
Nauna nang sinabi ng pamahalaang lungsod ng Maynila na nasa 981 ang kabuuang bed capacity sa anim na district hospitals, kung saan 296 ang COVID-19 beds.