Tatlong bangkay, natagpuan ng K-9 unit ng PCG sa landslide sa Davao de Oro

Share this information:

SA tulong ng mga aso ng K-9 unit ng Philippine Coast Guard (PCG), tatlong bangkay ang natagpuan sa pagguho ng lupa sa Davao de Oro sa pagpapatuloy ng search and rescue operation sa lalawigan.

Matapos maiulat ang nangyaring landslide sa Brgy. Masara, Maco, Davao de Oro noong Pebrero 6 ay agad na nagpadala ng Search and Rescue (SAR) team ang PCG para hanapin ang mga residenteng natabunan ng pagguho ng lupa.

Ayon sa Coast Guard District Southeastern Mindanao ang Coast Guard Working Dog (CGWD) Appa rin ang nakakita sa isa pang bangkay sa naunang SAR operation. 

Ang mga aso na ginagamit ng PCG ay mga highly-trained member ng Coast Guard K9 Search and Rescue Unit.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.