Breaking News

Share this information:

ARESTADO ang tatlong hinihinalang drug personalities, kabilang ang isang 17-anyos na binatilyo, matapos makumpiskahan ng mahigit sa P200,000 halaga ng umano’y ilegal na droga sa buy-bust operation sa Caloocan City.

Kinilala ni District Drug Enforcement Unit (DDEU) chief ng NPD na si Police Lt. Col. Renato Castillo ang naarestong mga suspek na si Gerald Alejandro alyas “Kuya,” 31 anyos, Mark Anthony Estrada, 37 anyos, technician at ang 17-anyos na binatilyo.

Sa ulat ni Police Lt. Col. Castillo kay NPD Director Police Brigadier General Jose Hidalgo Jr., dakong alas-10 ng gabi nang magsagawa ang mga operatiba ng DDEU sa pangunguna ni Police Majoy Amor Cerillo ng buy-bust operation sa Gensan Julian Felipe St., Barangay 8.

Isang undercover police na nagpanggap na buyer ang nagawa umanong makipagtransaksyon sa mga suspek ng P8,500 halaga ng ilegal na droga.

Kaagad inaresto ng mga operatiba ang mga suspek matapos tanggapin ang marked money mula sa poseur-buyer kapalit ng isang medium transparent plastic sachet ng hinihinalang shabu.

Nakumpiska sa mga suspek ang tinatayang nasa 35 gramo ng hinihinalang shabu na may standard drug price na nasa P238,000, buy-bust money na binubuo ng isang tunay na P500 bill at walong pirasong P1,000 boodle money, at dalawang motorsiklo.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: