Tatlo, naaktuhan sa transaksyon sa droga sa Caloocan

Share this information:

Arestado ang tatlong hinihinalang drug personalities kabilang ang dalawang babae matapos maaktuhan ng mga pulis na nagta-transaksyon ng ilegal na droga sa Caloocan City kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang mga naarestong suspek na si Mary Jane De Vera, 35 anyos, ng 187 M. Hizon St. Brgy. 63, Jessabel Macaraig, 25 anyos, at Geeffren Estrada, 30 anyos, kapwa ng 172 P. Burgos St. Brgy. 15.

Sa ulat, dakong alas 10:15 ng gabi, nagsasagawa ng anti-criminality Oplan Galugad ang mga pulis sa kahabaan ng P. Burgos St. Brgy. 15 nang mapansin nila ang mga suspek na nagta-transaksyon umano ng ilegal na droga.

Nilapitan nila ang mga suspek saka inaresto at nakumpiska sa mga ito ang limang plastic sachet na naglalaman ng nasa 2.6 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nasa P17,680 ang halaga.

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa R.A 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

Pintor, sugatan sa pananaga sa Malabon

Thu Mar 4 , 2021
Sugatan ang isang pintor matapos itong tagain ng isang construction worker sa Malabon City kamakalawa ng gabi. Ginagamot sa Tondo Medical Center sanhi ng tinamong taga sa kanang tuhod ang biktimang si Claro Naga, 41 anyos, ng Sitio Kapatiran, Barangay San Isidro, Antipolo, Rizal. Nakapiit naman ngayon habang nahaharap sa […]

Follow Us

%d bloggers like this: