Pintor, sugatan sa pananaga sa Malabon

Share this information:

Sugatan ang isang pintor matapos itong tagain ng isang construction worker sa Malabon City kamakalawa ng gabi.

Ginagamot sa Tondo Medical Center sanhi ng tinamong taga sa kanang tuhod ang biktimang si Claro Naga, 41 anyos, ng Sitio Kapatiran, Barangay San Isidro, Antipolo, Rizal.

Nakapiit naman ngayon habang nahaharap sa kaukulang kaso ang suspek na kinilalang si Pilo Ponce, 29 anyos, stay-in sa Lot 20, Carbonium St., Goldendate, Brgy. Tinajeros, Malabon City.

Lumabas sa imbestigasyon ng pulisya, dakong alas 8:40 ng gabi, nasa kanyang barracks sa Lot 20, Carbonium St. Goldendate ang biktima nang dumating ang suspek at sa hindi malaman na dahilan ay tinaga nito si Naga sa kanang tuhod gamit ang isang jungle bolo.

Matapos ang pananaga, mabilis na tumakas ang suspek subalit naaresto ito ng nagpapatrolyang mga barangay tanod sa Aracity Avenue, Brgy. Tinajeros nang makitang bitbit ang bolo na ginamit sa insidente habang isinugod naman ang biktima ng kanyang foreman na si Gener Soriano sa naturang pagamutan.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

NLEX partners with LGUs on urban, transport planning

Thu Mar 4 , 2021
NLEX Corporation is collaborating with local government units (LGUs) to manage traffic flow and plan for anticipated developments in their respective cities and municipalities. The tollway company has undertaken several traffic management measures and commissioned studies to assess the adequacy of existing infrastructure and foresee demands on improvements that would […]

Follow Us

%d bloggers like this: