Tatlo arestado sa P397k shabu sa Navotas

Share this information:

NASAMSAM ng mga awtoridad ang halos P.4 milyon halaga ng ilegal na droga mula sa tatlong hinihinalang drug personalities matapos maaresto sa isinagawang buy-bust operation sa Navotas City.

Kinilala ni Navotas police chief Col. Dexter Ollaging ang naarestong mga suspek na sina Clarence Lucas, 18 anyos, (pusher/not listed), Francisco Casariego, 37 anyos, (user/listed), at Yuki Dionisio, 18 anyos, (user/listed), pawang mga taga Brgy. Tangos North.

Ayon kay Col. Ollaging, dakong ala-1:10 ng madaling araw nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni PLt. Luis Rufo Jr., ng buy-bust operation sa kahabaan ng AR Cruz St., Brgy. Tangos North.

Isang pulis na nagpanggap na buyer ang nagawang makipagtransaksyon kay Lucas ng P1,000 halaga ng droga.

Nang tanggapin ni Lucas ang marked money mula sa poseur-buyer kapalit ng isang plastic sachet ng shabu ay agad siyang sinunggaban ng mga operatiba, kasama sina Casariego at Dionisio.

Narekober sa mga suspek ang humigit-kumulang sa 58.5 gramo ng hinihinalang shabu na may standard drug price na P397,800, buy-bust money at isang body bag.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.