Bangkay ng lalaki, lumutang sa dike sa Navotas

Share this information:

BANGKAY na nang matagpuan ang isang lalaking hindi na nakauwi sa kanilang bahay matapos magsabi sa kanyang pamilya na mangingisda lamang siya sa Navotas City kamakalawa ng gabi.

Ayon kay Navotas police chief P/Col. Dexter Ollaging, kinilala ang biktima bilang si Jaymark Panganiban, nasa 25-30 ang edad at nakatira sa Judge Roldan St. Brgy. San Roque.

Dakong alas-7:20 ng gabi nang matagpuan nakalutang ang bangkay ng biktima sa Dike Pondohan Dulong Tangos, Brgy. Tangos North.

Pinagtulungan i-ahon ng rumespondeng mga tauhan ng Navotas City Rescue Team at mga barangay opisyal ang katawan ng biktima.

Ayon sa pulisya, huling nakitang buhay ang biktima ng ilang residente ng Dulong Tangos bago magtanghali habang nangingisda sa Dike Pondohan.

Dinala ang bangkay ng biktima sa Northern Police District (NPD) Crime Laboratory para sa autopsy upang matukoy kung ano ang ikinamatay nito.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.