Breaking News

Share this information:

KALABOSO ang magkapatid kasama ang kinakasama ng isa sa mga arestado sa isinagawang illegal drug buy-bust ng pinagsamamang pwersa ng Zambales Provincial Drug Enforcement Unit, Castillejos Municipal Police Station at 2nd PMFC sa naturang bayan noong Lunes ng gabi.

Ayon kay Police Major Richard Fortaleza, hepe ng Castillejos MPS, Naaresto ang magkapatid na drug suspects na sina Pepito Ruano y Mendoza, 37 at nakababata nitong kapatid na si Arnel Ruano y Mendoza, 34 na kapwa residente ng Barangay San Juan ng nabanggit na bayan, arestado rin ang kinakasama ni Arnel na si Wendy Trinidad y Orquiza, 29, na residente naman ng Barangay Calapacuan sa karatig na bayan na Subic.

Batay naman sa salaysay ni PLT Nino Ryan Opinga na namuno sa nasabing police operation, kompiskado ang 22 piraso ng plastic na naglalaman ng hinihinalang shabu, drug paraphernalia, cellphone at ang marked money na ginamit sa nasabing buy-bust.

Tinatayang nasa 26.9 gramo ang timbang ng mga nakumpiskang iligal na droga na nagkakahalaga umano ng Php182,920.00.

Lahad ng kinakasama ni Arnel Ruano na si Wendy, ay katatapos lamang nilang gumamit ng iligal na droga ilang oras bago naganap ang hulihan.

Patung-patong na kaso sa paglabag sa Section 5,11, 26(b) sa Ilalim ng Artikulo II ng R.A. 9165 o Comprehensive Dangerous Drug act of 2002 ang nakatakdang isampa laban sa tatlong arestadong suspek sa Office of the Provincial Prosecutor sa Lungsod ng Olongapo.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: