INIIMBESTIGAHAN ngayon ang mga opisyal ng Sablayan Prison matapos mabuko sa tangkang pagpuslit ng kahong-kahong sigarilyo at alak na naka paloob sa truck na idedeliber sana sa kargadong buhangin papasok ng nasabing pasilidad.

Tinanggal sa pwesto ang Camp commander at iba pang commissioned officers ng Sablayan Prison and Penal Farm (SPPF) sa Occidental Mindoro kasunod ng tangkang pagpapalusot ng kontrabando sa corrections facility.
Ayon sa Bureau of Corrections (Bucor), ipinatawag na para sa karagdagang imbestigasyon sa Directorate for Personnel and Human Resource Development (DPHRM)sa sa Muntinlupa City sina Correction Chief Inspector Francisco Madrid, ang camp commander, at CT/Insp. Edgar Laudencia.

Base sa ulat na ibinigay kay BuCor Director General Gregorio Pio Catapang Jr., sinabi ni SPPF Acting Superintendent Chief Insp. Abel Ciruela, natuklasan ang mga kontrabando nang pagdudahan ang isang dump truck na kargado ng gravel at sand sa labas ng perimeter ng SPPF Hospital.
Tinanong ang driver ng truck, sinabi niya na ang karga ng truck ay may permit na ideliber sa loob ng pasilidad at pirmado ni Madrid.
Inutusan ang driver na i-unload na ang truck sa unloading area pero tumanggi ang driver dahil nag-malfunction umano ang hydraulic system kaya pinababa siya sa visiting area upang kuwestiyunin hanggang sa umamin na kargado ng kontrabando ang buhangin.
Napilitan ang security at operations personnel na idiskarga ang buhangin at nalantad ang mga 213 bote ng tig-1 litro at 48 na 700 ml ng Ginebra ng Ginebra San Miguel; 16 na 1L Jack Daniel’s Whiskey, 30 reams ng Marlboro cigarettes; 69 reams ng tobacco ; 10 packs na may 6 bricks per pack, at 37 sticks pa ng tobacco.
Iniutos ni Catapang ang malalimang imbestigasyon sa insidente upang matukoy kung sangkot ang BuCor personnel sa pagpalusot ng mga kontrabando.

