Tambak na  balikbayan boxes, ikinakalat na sa mga collection districts ng BOC

Share this information:

SINIMULAN nang dalhin sa pinakamalapit na mga tanggapan ng Bureau of Customs (BOC) ang mga nakatenggang balikbayan boxes na iniwan ng mga cargo consolidators sa Manila International Container Port (MICP).

Ito ay bilang pagtalima rin sa kautusan ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. na proteksyunan ang interes at kapakanan ng mga Overseas Filipino workers (OFWs) na nagpapadala ng mga kagamitan sa kanilang mga kaanak dito sa Pilipinas para sa Pasko, ayon kay Customs Commissioner Yogi Filemon Ruiz.

May sampung 20-footer containers na naglalaman ng balikbayan boxes na naka-consign sa All Win Cargo LLC at Cargoflex Haulers Corporation ang ibiniyahe na sa iba’t-ibang BOC Collection Districts sa Visayas at Mindanao para maihanda sa distribusyon.

Samantala, ang mga balikbayan boxes para sa Luzon (maliban sa Metro Manila) ay ipamamahagi ng Collection Districts na may hurisdiksyon sa mga siyudad at munisipalidad kung saan patungo ang mga kahon.

Pinaalalahanan ng BOC ang mga OFWs at kanilang mga kaanak na naghihintay sa kanilang balikbayan boxes na mag-antabay sa kanilang mga post sa opisyal na Facebook page nito ukol sa updates sa kanilang pagde-deliber.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.