Breaking News

Share this information:

ARESTADO ng  National Bureau of Investigation Special Task Force (NBI-STF) ang isang Japanese national sa isang 5 star hotel sa Paranaque City.

Ayon kay NBI OIC-Director Eric Distor, ang nasabing dayuhan ay nakilalang si Wayanabe Yuki na kilala ring Kenji Shimada/ Shi Shimada.

Ang  NBI-STF ay nakatanggap umano ng impormasyon na si Yuki ay international wanted fugitive at may Blue Notice sa Interpol.

Ang  Blue Notice ay isang kategorya sa Interpol upang mangolekta ng karagdagang impormasyon tungkol sa pagkakakilanlan, lokasyon o mga aktibidad ng isang tao na may kaugnayan sa isang krimen.

Dagdag pa ni Distor na si Yuki ay nagtago na sa bansa dahil sa kanyang pagkakasangkot sa iba’t-ibang krimen sa Japan at iba pang mga bansa.

Nago-operate din umano ito ng mga aktibidad ng mga sindikato sa Pilipinas gaya ng online fraud at pangingikil.

Sinasabi ring “big boss” si Yuki  ng pinakamalaking telecommunication fraud syndicate kung saan kasama ang Japan at Pilipinas sa  international operations nito.

Nang matukoy ng NBI-STF ang kinaroroonan ng suspek, agad nakipag-ugnayan ang ahensya sa Bureau of Immigration (BI) hanggang sa ito ay maaresto.

Kasama ni Yuki na naaresto ang dalawa pang Japanese national na sina Tomonobu Saito at Kousuke II matapos silang hindi makapagpakita ng kanilang pasaporte at Alien Certificate of Registration (ACR).

Kapwa sila dinala sa NBI para sa beripikasyon at booking procedures.

 Sumailalim din sa swab test ang tatlo kung saan lumabas na positibo sa COVID-19 si Yuki habang negatibo naman ang dalawa.

Sila rin ay kapwa  itinurn-over sa  NBI-Security Management Section (NBI-SMS) para sa temporary custody upang sila ay maayos na ma-isolate at ma-quarantine. 

Samantala, nakatanggap ang  NBI ng commitment order mula sa BI. Sa naturang commitment order, si Yuki  ay may kasong Undesirability (Fugitive) at Illegal Entrant, habang  si Tomonobu Saito ay may outstanding Summary Deportation Order.

Sa kabilang banda, inisyu naman ng BI ang release order laban kay Kousuke II dahil sa kawalan ng  ebidensya para maitaguyod ang probable cause.

Lumabas din sa rekord ng BI na hindi siya overstaying alien  dahil ang kanyang tourist visa ay valid hangang May 2021.

Wala ring lumabas sa NBI na derogatory o criminal record sa data base nito laban kay Kousuke II kaya siya ay agad ding ini-release ng ahensya.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: