INARESTO ng mga ahente ng Bureau of Immigration (BI) ang isang Taiwanese national na wanted ng mga awtoridad sa Taipei dahil sa large-scale fraud.
Kinilala ni Immigration Commissioner Norman Tansingco ang dayuhan na si Yin Chih Chou, 40 anyos, na inaresto sa loob ng kanyang condominium sa Adriatico St., Ermita, Manila.
Inaresto si Chou ng mga ahente ng BI Fugitive Search Unit (FSU) sa bisa ng mission order na inisyu ni Tansingco dahil sa kahilingan ng awtoridad sa Taiwan.
“He will be deported as soon as our board of commissioners issues the order for his summary deportation. He will then be included in our blacklist and perpetually banned from re-entering the Philippines,” ayon sa BI chief.
Ipapadeport din dahil sa pagiging overstaying at undocumented alien si Chou kung saan dumating sa bansa noong July 19, 2018 matapos ipa-revoke ng Taiwanese government.
Ayon naman kay BI-FSU acting chief Rendel Ryan, isang warrant of arrest ang inisyu kay Chou ng Taiwan Hsinchu district prosecutor’s office dalawang buwan bago siya dumating sa Pilipinas.
Nabatid na hinikayat ni Chou ang kanyang mga biktima na padalhan siya ng pera para pambili ng fine goods at luxury items sa mababang presyo.
Natatanggap ng suspek ang ipinapadalang pera sa pamamagitan ng pekeng account subalit ibinubulsa lamang nito saka tumakas.

