“Tabatsoy” na pulis ‘babarilin’ ni Torre

Binibigyan na lamang ng anim n buwan hanggang isang taon ni Philippine National Police (PNP) Chief General Nicolas “The Executioner” Torre III ang mga ‘overweight’ o tabachingching na pulis na magpapayat upang hindi masibak sa serbisyo.

Ito ang naging babala ni  Torre, kung saan pinagbatayan  niya ang Section 30 ng Republic Act No. 6975 o ang Department of the Interior and Local Government Act of 1990 na nagsasaad ng kuwalipikasyon upang maging miyembro ng PNP.

Ayon kay Torre, may nakasaad na “must weigh not more or less than five kilograms of the standard weight corresponding to his or her height, age, and sex.”

Paliwanag ni Torre na sa ilalim ng PNP regulations, ang mga matatabang pulis ay binibigyan ng pagkakataon na magpapayat o ibalik ang kanilang normal na timbang sa loob ng anim hanggang 1 taon.

Ani Torre, sakaling  hindi makapagpapayat ang pulis na overweight, hindi  naman siya magdadalawang  isip na ipatanggal ito sa serbisyo.

Ang mga may medical conditions naman ay posibleng maharap sa “complete disability discharge” o ilipat sa administrative work. 

Una nang sinabi ni Torre, na kailangan physically fit ang mga pulis upang  mas madaling makaresponde at bilang bahagi ng disiplina sa bawat pulis.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.