Suspensyon ng trabaho sa SC, pinalawig hanggang bukas

SUSPENDIDO pa rin ang trabaho sa mga tanggapan ng Korte Suprema hanggang sa araw ng Martes.

Sa abisong ipinalabas ng SC Public Information Office, extended ang work suspension na sinimulan nuong Huwebes upang bigyang-daan ang disinfection at sanitation sa gitna ng tumataas na mga kaso ng COVID-19 na naitatala sa bansa.

Pero kahit physically closed ang SC, pupuwede pa rin umano ang ilang transaksyon sa pamamagitan ng pagtawag sa kanilang hotline at email address.

Samantala, sarado rin ang ilang korte na magbubukas sa magkakaibang petsa sa gitna ng  pag-iingat na magkaroon ng hawaan ng COVID-19.

Mula ngayong araw hanggang March 18, sarado ang Makati City Regional Trial Court Branch 61; hanggang March 19 naman sarado ang Makati RTC Branch 66; hanggang March 19 sarado ang Makati RTC Branch 143;  hanggang sa lumabas na ang resulta ng RT-PCR test ng mga empleyado naman nakasara ang Binan City, Laguna RTC Branch 25.

Samantala, sa March 27 pa magbubukas ang Municipal Trial Court sa Tandag City,Surigao del Sur; balik-opisina rin ang mga taga San Fernando City, Pampanga MTCC Branch 4 sa March 25 at sa March 19 naman babalik ang trabaho sa opisina ng mga taga Pasay City RTC-Office of the Clerk of Court.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.