Breaking News

Share this information:

TULUYAN ng sumuko ang personalidad na nasa likod ng kontrobersyal na “vaccination slot” for sale sa Mandaluyong City.

Ngayong araw ng Miyerkules (May 26, 2021) ng sumuko si Kyle Bonifacio kina Metro Manila Development Authority (MMDA) Chairman Benhur Abalos at Mayor Menchie Abalos bago nai-turn over sa Mandaluyong City Police Station para pormal na sampahan ng kaukulang kaso.  

Nabatid na posibleng kasuhan si Bonifacio sa paglabag sa Bayanihan law at bribery.

Kasama ni Bonifacio sa pagsuko sa mag-asawang Abalos ang kanyang magulang kung saan ay nagulat din ang mga ito dahil wala silang kaalam-alam sa nasabing ilegal na aktibidad ng kanilang anak.

Sa pahayag ni Bonifacio, itinanggi nito na nagbebenta sya ng slot sa bakuna sa halagang P10,000 hanggang P15,000 at wala rin syang koneksyon sa lokal na pamahalaang lungsod ng Mandaluyong pero inamin nito na isang barangay kagawad ang kanyang ama.

“Hindi po talaga ako nagbenta but ‘yung resibo po na ‘yun ay kusang bigay po sa akin nung taong ‘yun, ‘yun lamang po,” pahayag ni Bonifacio.

“Wala po akong connection sa LGU, dahil isa lamang po akong batang estudyante at malabo po akong magkaroon ng ganoong koneksyon,” dagdag pa nito.

Tumanggi naman si Bonifacio na ilahad nito ang detalye sa naturang scam.

Patuloy na sisiyasatin ng pulisya si Bonifacio kaugnay ng scam at para matukoy pa ang ilan pang sinasabing kasabwat nito.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: