Surigao del Norte, niyanig ng magnitude 5.3 na lindol

NIYANIG ng magnitude 5.3 na lindol ang bayan ng Burgos sa Surigao del Norte na naramdaman sa iba pang mga lugar sa Mindanao at sa Visayas.

Dakong alas-3:18 ng Huwebes ng hapon nang maitala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ang lindol na may tinatayang lalim na sampung kilometro.

Ayon sa Phivolcs, naramdaman ang Intensity III sa Surigao City at sa Rosario, Agusan del Sur.

Kung pagbabatayan naman ang instrumento ng ahensya, naitala ang Intensity III sa Surigao City; Intensity II sa Borongan City, Eastern Samar; Gingoog City, Misamis Oriental; at Intensity I sa Catbalogan City, Samar.

Matapos ang malakas na pagyanig na tectonic ang pinagmulan, naranasan din ang ilang aftershocks. Gayunman, sinabi ng Phivolcs na hindi na magdudulot ng malaking pinsala ang lindol.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.