Breaking News

Share this information:

ISA ang patay habang sugatan naman ang isa pa nang matupok ng apoy ang ilang kabahayan sa Baseco Compound  sa Tondo, Maynila Miyerkules ng gabi.

Nagsimula ang sunog dakong alas-6:44 kagabi at naideklarang fire out makalipas ang dalawang oras.

Na-trap umano sa banyo ng kanyang bahay ang nasawing lalaki at na-suffocate na nagresulta ng kanyang kamatayan habang sugatan naman ang isang babae.

Sa ngayon ay patuloy pang inaalam ng Bureau of Fire Protection- NCR  ang pagkakakilanlan ng mga biktima.

Ayon sa BFP, nagsimula ang apoy sa dalawang palapag na barong-barong na pag-aari at inuupahan ng pamilya ni Mastora Guimat sa Blk.15- A Baseco Compound.

Tinatayang aabot sa P700,000 ang pinsala sa sunog matapos na matupok ang nasa 100 kabahayan.

Apektado naman ang 150 pamilya na nawalan ng kanilang matitirahan.

Inaalam pa ng BFP ang sanhi ng pagsiklab ng sunog sa lugar.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: